MAAGANG PAGBUBUNTIS AT PAGPAPAKASAL NG KABATAAN, NAKAAALARMA – SOLON

NAALARMA ang isang mambabatas sa mababang kapulungan sa mabilis na paglobo ng maagang pagbubuntis at pagpapakasal ng mga kabataan.

Ayon kay Anak Mindanao Party-list Rep. Amihilda Sangcopan, ang usaping ito ay maituturing na “national social emergency”na dapat kagyat tugunan ng pamahalaan.

Kasabay nito, muling nanawagan ang mambabatas na ipasa na ang mga panukalang nakabinbin sa Kongreso ukol sa pagsugpo sa maagang pagbubuntis at maagang pag-aasawa ng mga kabataan.

“What is more alarming is the fact that girls in the Philippines aged 10 to 14 are already giving birth at a frequency of at least once every week since 2011 according to the Commission on Population and Development,” giit pa ni Sangcopan.

Maging ang Department of Health (DOH), Commission on Population and Development (POPCOM) at National Youth Commission (NYC) ay tinatalakay na rin ang mga nangungunang problema sa mga kabataan kasabay ng paggunita sa “Linggo ng Kabataan.”

Naunang sinabi ni POPCOM Chief Juan Antonio Perez III na halos 500 kabataang Filipino ang nanganganak kada araw noong 2019 na siyang nagtulak sa NYC na aprubahan ang resolusyon sa pagbuo ng Strategic Nationwide Plan na tutugon sa maagang pagbubuntis ng mga kabataan sa bansa.

Sa Asian Population and Development Association (APDA) African and Asian Parliamentarians sa Uganda, Africa noong August 17, 2021, ay inilarawan ni Sangcopan ang bigat ng mabilis na pagdami ng maagang pagbubuntis gaya ng iniulat ng Philippine Legislators’ Committee on Population and Development (PLCPD) batay na rin sa mga nakalap na datos.

Binanggit pa nito ang datos mula sa POPCOM sa kanyang talumpati na ang kababaihang may edad 10-14 na nanganganak sa Pilipinas ay tumaas ng 7 porsiyento o 2,411 kumpara noong 2018 na nangangahulugan na may pitong batang babae ang nanganganak araw-araw noong 2019 samantalang noong 2000 ay nasa 755 lamang.

“Because the body of a girl is underdeveloped and still not prepared for childbearing and the changes that it brings to the life of a girls, child brides suffer from various health risks such as anemia, STIs, postpartum hemorrhage, abortion, and poor mental health,” banggit pa ni Sangcopan, vice-chairperson ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa PLCPD.

Ayon pa sa mambabatas, malaki ang kaugnayan ng maagang pag-aasawa at panganganak sa maagang kamatayan ng kababaihang may edad 15-19, base sa ulat ng World Health Organization.

“Childbearing of someone who is still a child herself poses not only physical health risks to the child mother, but it also compromises her mental state as well. As a legislator who advocates the welfare of women across all ethnicity and background, religion and education, I firmly believe that this is a cause for “national social emergency” in which the government cannot handle alone.”
Naniniwala si Sangcopan na kinakailangang maging puspusan ang kampanya ng gobyerno ukol sa “puberty, reproduction, relationships, sexuality, at ang resulta ng tinatawag na unsafe sex.” (CESAR BARQUILLA)

347

Related posts

Leave a Comment