MABILIS NA AKSYON HILING NG MGA OFW

MAITUTURING ko na isang biyaya para sa Overseas Filipino Workers (OFWs) ang pagkakataong ipinagkaloob sa akin ng Saksi Ngayon Publisher na si Atty. Victor Rodriguez. Sa pamamagitan kasi ng a ting pahayagan ay madali na natin naipararating ang mga hinaing ng mga OFW na nagangailangan ng tulong.

Ang hangarin ng AKO OFW ay maging patas at tagapamagitan kung kaya ang saloobin ng mga OFW, recruitment agency at ahensya ng gobyerno ay aking ilalathala para sa ugnayan na makakatulong sa kapakanan at karapatan ng ating mga kabayani at ng kanilang pamilya.

Kabilang ang hinaing ng labing anim (16) na OFW na aking inilathala nitong Miyerkoles na nabigyan ng aksyon ni Labor Attache Nasser Mustafa ng Philippine Overseas Labor Office sa Riyadh. Ayon kay Labatt Nasser ay nakatakdang umuwi na ngayong araw ang nasabing grupo ng mga OFW na nagtatrabaho bilang mga On-Call cleaners sa ilalim ng Maharah Human Resources.

Tumugon din sa aking panawagan ang kinatawan ng Staffhouse International na si Aina T. Liwanag at kanyang ipinaliwanag ang dahilan ng pagkakaantala ng pagpapauwi ng mga kawani ng Maharah Human Resources. Ayon sa kanila, “Dahil po sa dami ng mga OFW na gustong umuwi dahil sa banta ng Covid-19, i sinaalang-alang din po nila ang availability ng commercial flights at implikasyon ng gastos bilang mataas po ang airfare tickets ngayon”.

Samantala, may mga opisyal din na kahit sa personal na mensahe (PM) sa viber o Messenger apps lang ay agad na umaaksyon. Kabilang na rito ang masipag na si Noordin Pendosina N. Lomondot Chargé d’Affaires ng Philippine Embassy sa Kuwait.

Ako ay labis na nagpapasalamat kay CDA Lomondot sa kanyang mabilis na pagtulong na mapasama sa chartered flight ang mga kabayani na matagal ng humihingi sa akin ng tulong. Kabilang dito si OFW Irene Bonifacio na muntikan pang maudlot ang pag-uwi dahil diumano sa pagharang ng isang opisyal ng embahada na pinangalanan na si Mam Rebecca na patuloy pa rin pa lang namamayagpag sa embahada.

Ngunit matapos na mai parating kay CDA Lomondot ang sumbong ay agad nitong ipinag-utos na maisama na sa pinaka-maagang Chartered Flight si OFW Bonifacio.

Kabilang din sa aking ipinakiusap kay CDA Lomondot ang pag-papauwi kina OFW Uzman at ng kanyang isang taong gulang na anak na si Hizam na inaasahan na makakauwi na sa mga susunod na chartered flight na inihahanda ni CDA Lomondot.

Labis din akong nagpapasalamat kay Usec. Sarah Yousef Arriola ng Office of Undersecretary for Migrant Workers Affairs na walang sawa at walang kapaguran sa pagtanggap ng mga suliranin ng mga OFW at sa mabilis nitong pagkilos sa aking kahilingan.

Sa totoo lang ay simple lamang naman ang kahilingan ng ating mga OFW. Ang ibig lamang nilang maramdaman ay ang mabilis na pagtugon ng mga ahensya ng gobyerno sa tuwing oras na sila ay nangangailangan. Serbisyong mabilis na angkop para sa ating tinaguriang Bagong Bayani .

                                                                                       oOo
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa akin sa e-mail address saksi.ngayon@gmail.com o drchieumandap@yahoo.com o tumawag sa 09081287864.MAITUTURING ko na isang biyaya para sa Overseas Filipino Workers (OFWs) ang pagkakataong ipinagkaloob sa akin ng Saksi Ngayon Publisher na si Atty. Victor Rodriguez. Sa pamamagitan kasi ng a ting pahayagan ay madali na natin naipararating ang mga hinaing ng mga OFW na nagangailangan ng tulong.

 

 

162

Related posts

Leave a Comment