MAG-AMA NAKURYENTE SA PAGHABOL SA MUSANG

QUEZON – Patay ang isang magsasaka habang nasugatan ang anak nitong 14-anyos na babae nang makuryente habang hinahabol ang isang “musang” (wild cat) sa bayan ng Mulanay, sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi.

Kinilala ng Mulanay police ang namatay na si Mario Guevarra Sabalboro, 38, residente ng Brgy. Patabog.

Batay sa report ng Mulanay police, patungo ang biktima kasama ang anak na dalagita sa lugar na kanilang pinag-uulingan sa Barangay Ilayang Yuni, nang makakita ang mga ito ng isang musang dakong alas-10:30 ng gabi.

Hinabol ito ng mag-ama hanggang sa makarating sila sa private property na pag-aari ng isang Jaime Constantino Rey, ngunit hindi sinasadyang napahawak ang lalaki sa electric live wire kaya bigla na lamang itong nangisay dahil sa malakas na boltahe.

Tinangka namang tulungan ng anak ang kanyang tatay subalit nakuryente rin ito.

Agad nasawi ang ama habang nawalan ng malay ang bata na nilalapatan ng lunas sa ospital.

(NILOU DEL CARMEN)

238

Related posts

Leave a Comment