CAVITE – Nalagutan ng hininga ang isang ama habang inoobserbahan sa pagamutan ang kanyang 10-anyos na lalaking anak makaraang masagasaan ng isang motorsiklo habang tumatawid sa kalsada sa Bacoor City noong Sabado ng gabi.
Isinugod sa Southern Tagalog Regional Hospital ang mag-amang sina alyas “Gil”, 40, at “Ken”, 10, residente ng Brgy. Habay 1, Bacoor City, Cavite subalit namatay habang nilalapatan ng lunas ang ama.
Isinugod din sa Binakayan Medical Center ang driver ng motorsiklong Suzuki GSX150 na may plakang 566NTJ, na si alyas “Rodrigo”, 73, dahil sa sugat sa katawan.
Ayon sa ulat, minamaneho ng suspek ang kanyang motorsiklo habang binabagtas ang kahabaan ng Aguinaldo Highway sa direksyon ng Manila bandang alas-9:30 ng gabi.
Ngunit pagsapit sa harapan ng Revilla’s residence nang mabangga nito ang mag-ama na noon ay tumatawid sa kalsada.
Pawang isinugod ang mag-ama at ang driver ng motorsiklo sa magkahiwalay na ospital subalit namatay habang nilalapatan ng lunas si Gil.
(SIGFRED ADSUARA)
636
