WELLNESS CENTER OWNER, PINUKPOK NG 4 HOLDAPER

CAVITE – Tinutugis ng pulisya ang dalawang riding in tandem suspects na nangholdap sa isang wellness center at pinukpok ng replikang baril sa ulo ang may-ari ng establisimyento sa Bacoor City noong Sabado ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Renz” at “Nico” at dalawang kasamahan, pawang mga residente ng Taguig City at sakay ng dalawang motorsiklo.

Ayon sa salaysay ng may-ari ng Beauty Chimezie Wellness Center sa Brgy. Mambog 2, Bacoor City, na si alyas Jaleam, bandang alas-9:30 ng gabi nang pumarada ang apat na mga suspek sakay ng dalawang motorsiklo at pumasok ang dalawa sa establisimyento. Naglabas umano ang mga ito ng baril at nagdeklara ng holdap

Ngunit napansin ng may-ari ng wellness center na replica lang ang hawak na baril ng dalawa.

Nang makakita ang biktima ng isang screw driver, dinampot nito at sinaksak sa hita ang isa sa mga suspek dahilan upang tadyakan siya sa mukha at paluin sa ulo ng replica na baril at helmet.

Tinangay naman ng isa sa mga suspek ang pulang sling bag ng biktima na naglalaman ng cellphone, alahas at cash na may kabuuang halagang P150,000.00 saka tumakas sakay ng dalawang motorsiklo sa direksyon ng Bayanan.

Patuloy ang backtracking ng pulisya sa CCTV sa mga dinaanan ng mga suspek para sa ikadarakip ng mga ito.

(SIGFRED ADSUARA)

84

Related posts

Leave a Comment