MAG-AMANG COVID POSITIVE SA BULACAN PUMANAW NA

BULACAN – Binawian na ng buhay ang mag-ama na kumpirmadong dinapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), mula sa bayan ng San Ildefonso, ayon sa ulat ng Provincial
Health Office (PHO) noong Sabado.

Pinangangambahan namang kontaminado na rin ng nakamamatay na sakit ang kanilang buong pamilya makaraang mabatid na bago nakitaan ng sintomas ang mag-ama ay nagdaos
pa sila ng birthday party.

Base sa report ni Dra. Joy Gomez, director ng Bulacan PHO, namatay noong Biyernes ang 89-anyos na ama. Naunang pumanaw ang 65-anyos nitong anak noong Marso 17 na
umuwi mula London para dumalo sa family gathering.

Ang ama ay kumpirmadong nahawa sa kanyang anak kaya gayon na lamang ang pangamba ng Bulacan PHO na maaaring ang bawat nakasalamuha ng anak ay nahawa na rin.

Ayon sa report ng Bulacan PHO, pito ang kaso ng COVID sa lalawigan, dalawa ang namatay na, kapwa mula sa San Ildefonso; dalawa sa lungsod ng San Jose Del Monte; isa sa bayan ng Guiguinto; isa sa lungsod ng Malolos at si Mayor Ferdie Estrella sa bayan ng Baliwag. (ELOISA SILVERIO)

190

Related posts

Leave a Comment