NATAGPUAN na ang mga labi ng pilot na si Jose Ortoll at kanyang asawa, dalawang araw matapos bumagsak ang kanilang Cessna 172 sa Dinagat Islands.
Ayon sa mga awtoridad, nawalan ng komunikasyon ang eroplano habang patungo sa Siargao at hinihinalang bumagsak sa kabundukan ng Barangay Navarro, Tubajon.
Wala umanong naitalang distress call bago ang insidente, ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Iniulat na maayos ang lagay ng panahon nang mangyari ang pagbagsak ng eroplano.
Pinaniniwalaang nagmula sa Subic ang flight at papunta sa isang pribadong resort sa Siargao.
Patuloy ang imbestigasyon ng CAAP Aircraft Accident Investigation Board upang matukoy ang sanhi ng aksidente.
Kabilang sa mga tumulong sa search and retrieval operations ang MDRRMO, Armed Forces of the Philippines, PNP, BFP at Philippine Coast Guard.
(JESSE RUIZ)
103 