NAGHAIN ng panukalang batas si Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor para bigyan ng tax benefits ang mga pribadong kumpanya o mayayamang Filipino na sasagot sa COVID-19 vaccination ng lahat ng guro sa Pilipinas.
Ginawa ni Defensor ang nasabing pahayag habang naghahanda na umano ang pharmaceutical companies sa pagtuklas ng bakuna laban sa COVID-19 para sa mga kabataang edad 18 pababa.
“Private entities paying for the COVID-19 jabs of teachers and children will be entitled to claim 150 percent of what they spent for the shots as “additional deduction” from gross income subject to tax,” ani Defensor.
Sa ngayon ay mayroong umaabot sa 933,000 bilang ng mga guro sa bansa habang 23 million naman ang mga kabataan na nag-aaral sa mga pampublikong paaralan na kailangang mabakunahan upang masiguro ang kaligtasan ng mga ito sa COVID-19.
Hindi kasama ang mga kabataan sa pinondohan ng gobyerno sa vaccination program dahil para sa mga taong edad 18 pataas pa lamang ang natuklasang bakuna laban sa COVID-19 kaya dapat itong paghandaan.
“We want to ramp up the immunization of our teachers, and later, our children, by encouraging the private sector to come in and help,” ani Defensor, vice chairperson ng House Committee on Welfare of Children.
Dahil dito, pinaamyendahan ng mambabatas ang Adopt-a-School program na naestablisa sa pamamagitan ng Republic Act (RA) 8525 noong 1998 kung saan binibigyan ng tax incentives ang mga korporasyon at mayayamang indibidwal na tutulong sa sektor ng edukasyon upang mabawasan ang problema tulad ng kakulangan ng silid-aralan.
“We recognize that many businesses and affluent families are already helping to suppress the pandemic in so many ways, such as by spending for the inoculation of their employees and their dependents,” ayon sa mambabatas.
Kapag naipasa ang nasabing panukala, sinumang korporasyon na gagastos ng P10 million halimbawa, sa pagbili ng COVID-19 vaccine para sa mga kabataan na inaasahang ilalabas sa 2022, ay magkakaroon ng extra deduction na P15 million sa kanilang gross income tax.
“Our bill will help prevent ‘donor fatigue’ and encourage more private entities to help some more by contributing to the vaccination of our teachers and children,” ayon pa sa mambabatas. (BERNARD TAGUINOD)
296
