MAG-INA NABAGSAKAN NG PADER, PATAY

PAMPANGA – Patay na ang mag-ina nang ma-recover mula sa tambak ng mga basura at lupa matapos mabagsakan ng gumuhong pader sa kasagsagan ng pananalasa ng Southwest Monsoon na pinalakas ng bagyong Carina sa bayan ng Angeles sa lalawigan.

Nakuha ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection ang mga labi ng ina at anak nito mula sa tambak ng mga debris makaraang maguhuan ng pader ng kanilang bahay sa kasagsagan ng pag-ulan.

Mapalad namang nakaligtas ang padre de pamilya subalit kasalukuyan itong nilalapatan ng lunas sa pagamutan sanhi ng mga sugat at bale sa katawan.

Base sa paunang report, hinihinalang lumambot ang lupa na kinatitirikan ng bahay ng mag-ina na malapit sa Abacan River sa Barangay Pampang.

Ayon sa Angeles CDRRMO, ang walang humpay na pag-ulan ang dahilan ng pagguho ng lupa. (JESSE KABEL RUIZ)

352

Related posts

Leave a Comment