RIZAL – Arestado ang magkapatid makaraang makumpiskahan ng halos P7 milyong halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy-bust operation ng magkasanib na pwersa San Mateo PNP at Provincial Intelligence Unit sa bayan ng San Mateo sa lalawigang ito.
Kinilala ang mga suspek na sina Diadema Babasa at Betty Babasa, kapwa nasa hustong gulang.
Ayon sa ulat ni P/Col. Dominic Baccay, Rizal PNP Provincial Director, kay PRO4A Regional Director Jose Melencio Nartatez Jr., nakuha sa mga suspek ang isang bulto at pitong sanchet ng hinihinalang shabu na may timbang na 1.020 kilos at tinatayang P6,936,000 ang halaga dakong gabi sa Brgy. Gulod Malaya sa nabanggit na bayan.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na kasalukuyang nakapiit sa San Mateo Custodial Facility. (ENOCK ECHAGUE)
