MAGKAPATID NA ZAMBOANGA LALABAN PARA SA TEAM PH

Ni ANN ENCARNACION

ASAM ng magkapatid na mixed martial artists na sina Denice “The Menace” at Drex “T-Rex” Zamboanga na maging bahagi ng Team Pilipinas sa Southeast Asian Games at Asian Games.

Inihayag ni Denice na nais niyang sumabak alinman sa ­wrestling o sambo, habang si Drex ay mas gusto sa kickboxing at boxing.

Ang magkapatid na ­Zamboanga kasama si coach Fritz Biagtan ang panauhin sa tuwing Martes na Philippine ­Sportswriters Association (PSA) Forum.

“Mas nakaka-proud po ­irepresent ang Pilipinas as a national team member,” pag-amin ni Denice, bitbit ang 8-0 record bilang MMA fighter at nakatakdang sumagupa sa ONE: Empower.

Kasama ang 24-anyos na Pinay sa 18 mahuhusay na mixed martial artists na magtatagisan sa Setyembre 3 sa Singapore Indoor Stadium.

Makakatapat ni Denice si Arale Chan o Seo Hee Ham ng South Korea sa quarterfinals ng women’s atomweight World Grand Prix.

Samantala, naghihintay pa ng susunod na laban niya si Drex, may fight record na 8 panalo at 5 talo.

Huling laban niya ay nauwi sa submission win kontra Detchadin Srosirisuphatin ng Thailand.

Ngunit may nakatakda man laban o wala, makikita ang magkapatid na Zamboanga na patuloy sa pagsasanay sa Marrok Force Gym, na kanilang itinayo kasama si coach Fritz.

179

Related posts

Leave a Comment