EASTERN SAMAR – Kapwa namatay ang 83-anyos na lola at 25-anyos na apo nitong lalaki sa sunog na sumiklab sa kanilang bahay sa Brgy. Tamoso, Borongan City sa lalawigang ito, noong Linggo ng madaling araw.
Kinilala ng BFP Borongan City ang mga biktimang sina Lourdes Abobo at Lloyd Alec Legion na kapwa na-trap sa nasunog na bahay.
Ayon sa imbestigasyon, sumiklab ang sunog sa residential house ng mga biktima dakong alas-3:00 ng madaling araw habang natutulog ang mga ito.
Mabilis na lumaki ang apoy at hindi na nakalabas ang dalawa matapos na ma-suffocate ng usok at tuluyang nakulong.
Makaraan ang halos isang oras, naapula ang apoy dakong ala-4:30 ng umaga at tumambad ang sunog na labi ng mga biktima.
Tinatayang umabot sa P700,000 ang halaga ng pinsala ng sunog habang sinasabing nag-overheat na appliances ang pinagsimulan ng apoy.
(NILOU DEL CARMEN)
400