PULIS, 2 PA PATAY SA 2 AKSIDENTE NG MOTORSIKLO SA QUEZON

QUEZON – Patay ang isang pulis at dalawa pang lalaki sa magkahiwalay na motorcycle accident sa bayan ng Sariaya sa lalawigang ito, noong Linggo at Lunes ng madaling araw.

Unang nasawi ang magkaangkas na sina Jeremy Piñero Ramirez, 24, nagmamaneho, at Renato Ramire, 51, backrider, nang ang kanilang motorsiklo ay mahulog sa kanal matapos na kanilang banggain ang sinusundang isa ring motorsiklo sa Maharlika Highway, Brgy. Sampaloc 2, dakong alas-8:15 noong Linggo ng gabi.

Dumanas ang dalawa ng grabeng pinsala sa ulo at katawan at hindi na naisugod sa ospital.

Sugatan din ang 38-anyos na driver ng motorsiklong binangga ng mga ito na kinilalang si Rogelio Cagas.

Samantala, dakong alas 12:35 ng madaling araw nitong Lunes, nasawi ang pulis na si Police Corporal Peter James Menguito nang ang minamaneho nitong motorsiklo ay makasalpukan ang kasalubong na Peñafrancia bus habang tinatahak ang Maharlika Highway sa Brgy. Poblacion 1, Sariaya.

Isinugod pa ang biktima sa ospital subalit idineklara itong dead on arrival ng doktor.

Ikinustodiya naman ng Sariaya police ang driver ng bus na si Rodolfo Luzande Jr.

(NILOU DEL CARMEN)

399

Related posts

Leave a Comment