MAGPINSANG BATA NAHULOG, NALUNOD SA LAGUNA LAKE

LAGUNA – Natagpuang walang buhay ang magpinsang bata makaraang malunod sa Laguna Lake noong Lunes ng hapon.

Kinilala ng mga imbestigador ng Binangonan Municipal Police Station ang mga biktimang sina Matthew Villariña, 4-anyos, kinder student, at Joseph Julian Antinero, 3-anyos, daycare student at parehong residente ng Barangay Bombong, Binangonan, Rizal.

Ayon sa imbestigasyon, nadiskubre lamang ang pangyayari nang mapansin ng nanay ng isa sa mga bata ang tsinelas ng anak na nakalutang sa tubig habang nawawala ang biktima.

Agad itong humingi ng saklolo at nagtulong-tulong sa paghahanap ang magkakapitbahay.

Laking gulat ng mga ito nang matagpuan hindi lamang ang unang biktima kundi ang dalawang bata sa tubig.

Agad isinugod ang mga ito sa Margarito Duavit Memorial Hospital subalit parehong idineklarang wala nang buhay ng doktor.

Sa follow-up investigation ng mga pulis, napag-alaman na magkasamang naglalakad ang dalawang biktima sa tabi ng waiting shed sa nasabing pantalan nang aksidenteng nahulog sa lawa at nalunod.

(NILOU DEL CARMEN)

196

Related posts

Leave a Comment