MAGSASAKA ITINUMBA SA TAGAYAN

patay

CAVITE – Patay ang isang 49-anyos na magsasaka nang barilin ng kanyang kainuman nang magtalo sa matagal nang alitan sa Gen. Trias City noong Linggo ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Christopher Dilao y Borga, 49, ng Barangay Santiago, Gen. Trias City, namatay sa pinangyarihan ng insidente.

Nagsasagawa naman ng manhunt operation ang pulisya sa suspek na si Alfred Hernandez y Herrera, ng Brgy. Sta. Clara, Gen. Trias City, na tumakas matapos ang pamamaril.

Ayon sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon, nag-inuman ang biktima, ang suspek at ilan nilang mga kaibigan sa Brgy. Sta. Clara, Gen. Trias City ngunit naungkat ang matagal nang alitan ng dalawa na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Bunsod nito, umuwi ang suspek ngunit bumalik sa lugar saka pinagbabaril ang biktima at pagkaraan ay mabilis na tumakas.

(SIGFRED ADSUARA)

140

Related posts

Leave a Comment