PINALAGAN ng isang mambabatas mula sa mababang kapulungan ang inanunsiyo ng Department of Agrarian Reform na ang mga magsasakang Pinoy ang may pinakamalaking
kapakinabangan sa pag-iral ng Rice Tariffication Law (RTL) sa bansa.
Ayon kay Magsasaka Party-list Representative Argel Cabatbat, nararapat nakilatising mabuti ng DAR partikular ni Secretary William Dollente Dar ang inilabas nitong pahayag na ang magsasakang Pinoy ang makikinabang nang malaki sa RTL dahil hanggang sa ngayon ay hikahos pa rin ang kalagayan ng mga magsasaka partikular iyong maliliit.
“But to have a clearer assessment of our farmers conditions, we have to call a spade a spade, the real winners of the RTL are the traders and importers, not our farmers or consumers,” pahayag ni Cong. Cabatbat.
Sinabi ng mambabatas na hindi pansin ng publiko ang pagbaba ng presyo ng bigas, kahit binaha na ng imported na produkto ang merkado. Noong 2019, PHp42.50 pa rinang normal na bentahan ng bigas na nagdadala ng humigit-kumulang PHp19.50 kada kilo na kita sa mga importer at traders.
Kung susumahin, ayon kay Cabatbat ang 3 million metric tons ng imported na bigas sa Pilipinas, lampas 58 bilyong piso ang pinaghati-hatian ng importers at traders.
“Ang direksyon ng usapan ay dapat papunta sa pagkilala sa mapait na katotohanang ito.
Tama ba na iilang tao ang nakinabang sa Rice Tariffication Law? May hustisya ba para sa mga magsasaka na nalamangan na naman ng mga taong matagal nang kumikita
sa pagod at pawis nila,” tanong pa ng mambabatas. CESAR BARQUILLA
497 