MAHALAGA ANG KOORDINASYON NG GOBYERNO AT E-SABONG OPERATORS

SABONG ON AIR NI KA REX CAYANONG

MARAMI nang nag-aabang sa pagbabalik-operasyon ng online o e-sabong sa bansa.

Pinag-aaralan din naman kasi itong maigi ng pamahalaang Marcos.

Ngunit iminungkahi ng isang gaming technology executive ang mahigpit na koordinasyon ng pamahalaan at ng e-sabong operators.

Sa ganitong paraan daw ay matutulungan ang industriya sa pagpapaunlad nito.

Ayon naman kay Jade Entertainment and Gaming Technologies, Inc. Chief Executive Officer Joe Pisano, handa raw ang kanyang kompanya na makipag-ugnayan sa mga mambabatas para makatulong sa pagtugon sa concerns ng publiko sa e-sabong.

“We’re happy to work with the lawmakers. I believe there’s a lot we can contribute to help form regulations and to help drive away the illegal [operators],” wika ni Pisano. “At the moment the government’s losing, the community is losing, and it’s something we can do together to help build the industry. The Philippines is the hub for gaming now…nothing makes us happier than to work with the regulators to help grow the e-sabong industry.

Para kay Pisano, talagang magandang mapagkukunan ng kita ng pamahalaan ang online sabong.

Paano naman kasi, mayroon itong buong ecosystem ng mga industriya na sumusuporta rito, kabilang na ang mga breeders, feed makers, veterinary, at employment.

Sa kabuuan, sila raw ang nag-aambag sa kabuuang 35 percent corporate tax sa national government.

Kung maaalala, sinabi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso na ang industriya ng e-sabong ay nagkakaloob sa gobyerno ng P640 milyon na kita kada buwan.

Malaking bagay ito kaya nakalikom daw ang ating pamahalaan ng kabuuang P2.03 bilyon sa first half ng taong kasalukuyan.

Tama nga naman si Pisano, ang e-sabong ay dapat ding ituring na katulad ng ibang sports.

Kung titingnan kasing maigi, aba’y may may kapareho rin itong set of rules at mechanisms na ipinatutupad gaya ng ibang sports or games lalo pa’t isa na itong propesyon sa mahabang panahon.

Tingnan na lang po ninyo ang ibang sports tulad ng basketball, tennis, at football na pawang may betting systems.

Kaya naman, sa palagay ko, ang sabong ay dapat ding bigyan ng kaparehong pagtrato.

Sabi nga ni Pisano: “Sports betting on cockfighting would be natural on what we do today…We want [for] cockfighting to be treated like any other sport and go through the same treatment as any other sport.”

Well, abangan na lang natin ang susunod na update kaugnay ng napipintong pagbabalik daw ng e-sabong.

405

Related posts

Leave a Comment