SEGURIDAD SA ASIAN TELCOS CONFERENCE TINIYAK NG LGU, PNP

PUSPUSAN ang paghahanda ng mga tauhan ng Malay, Aklan PNP at Boracay Tourist Police sa isasagawang Annual Carriers Conference o ACC ng mga opisyal ng iba’t ibang giant telcos company sa buong Asia na magsisimula bukas hanggang Biyernes.

Ayon kay PLTCOL Don De Dios, hepe ng Malay PNP, nasa mahigit 250 PNP members ng 353 PNP force ng Malay ang itatalaga sa isla para sa seguridad ng mga dadalong delegasyon mula sa iba’t ibang bansa.

Ayon kay Pearl Habalan, over-all conference head, dadalo sa pagpupulong ang mga CEO at mga presidente ng nasa mahigit 200 na mga pangunahing Telcos company mula sa 40 bansa sa Asia at Europe.

Layunin ng conference na makalikha ng mas malakas na business partnership at mapaunlad ang telecommunication industry sa Asya.
Suportado ng Malay LGU ang idaraos na aktibidad.

Ayon kay Malay Mayor Frolibar Bautista, ito ang kauna-unahang pagkakataon na isasagawa ang annual conference sa Boracay at kung magiging matagumpay ito sa pamamagitan ng tulong ng PNP at iba pang mga stakeholder, lalong mapatutunayan sa mundo na ang Boracay ang isa sa mga ‘greatest place on earth to live’.

Hangad din nito na ang tagumpay ng malaking aktibidad na ito ay mas ma-promote ang turismo sa Boracay. (NILOU DEL CARMEN)

139

Related posts

Leave a Comment