SISIMULAN ngayong Huwebes ang pagpapatupad ng strict lockdowns sa tatlong barangay sa lungsod ng Maynila na nakapagtala ng mataas na kaso ng COVID-19 at huhulihin at dadalhin sa quarantine facility ang sinumang susuway na mga residente.
Ito ang naging babala ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na nagsabi na ang mga barangay na makakapagrehistro ng 10 o higit pang kaso ng COVID-19 ay agad ila-lockdown. Tanging ang authorized persons outside of residence (APORs) ang papayagang makalabas.
Tiniyak ni Moreno na magpapadala ng ayudang pagkain ang pamahalaang lungsod na sapat sa haba ng panahon na itatagal ng lockdown.
Binigyang diin din ng alkalde na seryosong ipatutupad ang lockdown nang ianunsyo niya ang mga barangay na isasailalim dito base sa impormasyon na binigay ni Manila Barangay Bureau director Romy Bagay.
Kabilang sa isasailalim sa lockdown ang Barangay 351 sa likod ng San Lazaro sa Tayuman na nagrehistro ng 12 cases; Barangay 725 sa Malate na may 14 cases, at bahagi ng Barangay 699 sa M. Adriatico partikular sa Bayview Mansion Building at Hop Inn Hotel sa Malate na may 17 cases.
Ang lockdown sa nasabing mga lugar ay magsisimula ng alas-12:00 ng madaling araw ngayong Huwebes, Marso 11, hanggang alas-11:59 ng hatinggabi ng Marso 14 (Linggo).
Nauna rito, inatasan ng alkalde si Bagay na magpatupad ng ‘automatic lockdown’ sa lugar kung saan mayroong pagtaas ng kaso COVID-19, dahil sa pagtaas ng mga dinapuan ng sakit.
Inatasan din ng alkalde si Bagay na kausapin ang lahat ng mga opisyal ng barangay upang maayos na maipatupad ang lockdown, kasabay ng paghingi ng pang-unawa sa lahat na maaapektuhan pati ang kanilang hanapbuhay.
Samantala, agad namang nagpalabas ng memorandum si Bagay sa lahat ng punong barangay hinggil sa kautusan ng alkalde.
“In view of the increase in COVID-19 positive cases in the City of Manila, the Honorable Francisco “Isko Moreno” Domagoso, city mayor, has issued the directed that barangays with 10 or more COVID-19 positive cases will be subject to barangay lockdown for 5 days.”
Mahuhuli sa labas, iku-quarantine ng 14 days STRICT LOCKDOWN SA MAYNILA”The said barangay lockdown shall be determined by the Manila Health Department and strictly implemented by Manila Barangay Bureau in close coordination with the Manila Police Department,” nakasaad sa memorandum na inisyu ni Bagay. (RENE CRISOSTOMO)
146 