MAKABAYAN BLOC KABADO NA

NANGANGAMBA na ang Makabayan bloc sa kanilang kaligtasan partikular si Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate matapos direktang akusahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na kasapi ng New People’s Army (NPA).

Sa virtual press briefing ng nasabing grupo, sinabi ni ACT party-list Rep. France Castro na nalalagay na umano sa panganib ang kaligtasan ni Zarate kasama ang kanyang pamilya sa panibagong alegasyon ni Duterte.

“It’s a flawed and dangerous legal theory that Pres. Duterte is foisting on the public to justify intensified attacks on his critics,” ani Castro.
Ginawa ng nasabing grupo ang pahayag matapos sabihin ni Duterte na “the act of one is the act of all…the act of a soldier NPA is the act of Zarate, the congressman” sa kanyang public address nitong Lunes ng gabi.

Si Zarate ay hindi sumali sa press briefing nitong Martes at walang impormasyon kung nasaan ito subalit ayon kay Castro, nanganganib ngayon ang buhay ng kanilang kasamahan.

Ganito rin ang pahayag ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas kaya inilagay umano ni Duterte sa panganib ang buhay ni Zarate.

“These incite violence, harm and hatred, which places the safety and security of Zarate and his family at serious danger,” ani Brosas.

Iginiit ng dalawang mambabatas na wala umanong basehan ang alegasyon ni Duterte dahil sa matagal na panahon ay naging kakampi ng mamamayan ang kongresista sa pakikipaglaban sa kanilang karapatan.

“Rep. Zarate has been very active in fighting against environmental plunder, against electricity rate hikes, against the rising body count under Oplan Tokhang. These are the very issues which the Duterte regime is criminally liable, hence Duterte’s rabid attack against him and against anyone who speaks truth to power,” ani Brosas.

Naniniwala rin ang grupo na taktika ito para tuluyang alisan sila ng upuan sa Kamara sa pamamagitan ng hindi pagpapasali sa kanila sa susunod na halalan. (BERNARD TAGUINOD)

125

Related posts

Leave a Comment