MAKABAYAN BLOC NG KONGRESO, LEGAL FRONT DAW NG CCP-NPA-NDF?

ANO kaya ang sagot dito ng Makabayan Bloc ng ­Kongreso? Sa ­akusasyon ng isang sumukong KADRE ng New Peoples Army na nagsisiwalat na sila ay legal front ng CPP-NPA-NDF.

Kung ito ay totoo, abay tama pala ang paratang ni Jeffrey Celiz alyas “Ka Eric” laban sa Makabayan Bloc, na mahigit na sa isang dekada tayong nadengoy ng makabayan bloc sa pagkukuwari na sila ay para sa bayan ‘yon pala ang tunay na adhikain ng mga ito ay ibagsak ang ­gobyerno upang mamahala ang kanilang underground movement na Communist Party of the Philippine, New Peoples Army, National democratic front (CPP-NPA-NDF).

Kung susundan po natin ang naging pagsisiwalat ng kanilang dating kasamahan o kadre na si jeffrey celiz alyas Ka Eric na lumutang at nagpa-presscon sa ­National Press Club, na mga hardcore ng CPP-NPA-NDF ang mga lider ng mga party-list group na tinaguriang makabayan bloc.

Paliwanag ni Jeffrey Celiz alyas ka Eric na hindi umano maaring gawing lider o kinatawan ng legal front ng CPP-NPA-NDF na bayan, bayan muna, ­Gabriela, ­Gabriela Youth, kilusang mayo uno, Anak pawis, Act-CIS,Courage at iba pang mga kilalang ­progressive group ang hindi naging kadre ng CPP-NPA-NDF.

Kaya pala nanguna kaagad sila sa paghahain ng petition sa Supreme Court na ipawalang bisa ang RA 11479 o mas kilala sa tawag na Anti Terrorism Act of 2020.

Dahil ayon kay Ka Eric na sa oras na ideklarang teroristang grupo ang CPP-NPA-NDF ay tanggal sila sa kongreso at may kakaharapin itong mga kaso at sa halip na sa kongreso ay baka kalaboso na sila.

Malamang ay dun na sila magoopisina.

Hinamon din ni ka Eric ang makabayan bloc na kondenahin ang CPP-NPA-NDF at kasuhan siya upang lumabas ang katotohan kung anong tunay na kulay mayroon ang makabayan bloc.

“Oo nga pala ano? Ni isang pagkondena mula sa makabayan bloc wala tayong nababasa o ­naririnig kaugnay nang mga ginawang pang a-ambush ng NPA sa tropa ng pamahalaan”.

Umapela rin si Ka Eric kay Speaker Lord Alan Velasco na i-suspend ang house rule upang kanilang makompronta ang makabayan bloc at ipatawag siya at iba pang kasamahan nitong surrenderees na mga NPA upang ipakita sa kongreso ang katotohanan sa kanilang paratang laban sa makabayan bloc.

Paalala lang kay Speaker Velasco na mismong ang kaibigan niyang si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang nagsabi na ang ­makabayan bloc ay mula sa CPP-NPA-NDF at mismong si Pangulong Duterte na rin ang nagsasabi na sila ay mula sa makakaliwang grupo.

Dapat ipakita nitong si ­Speaker Velasco kung kanino ba talaga siya, sa administration ba? o sa makabayan bloc, “AKSYON NA SPEAKER VELASCO”.

Ang problema pa ng ­makabayan bloc sa ngayon itong si SOLCOM O South Luzon Command Lt. General Antonio Parlade Jr. Na nagpapatunay sa pagsisiwalat ni Ka Eric, itoy bukod pa sa sinasabi ni. Gen. Parlade na marami siyang hawak na ebidensya na magpapatunay na ang makabayan bloc sa kongreso ay kunektado sa CPP-NPA.

201

Related posts

Leave a Comment