MAKATI EXPRESS CARGO, MAHIGIT SA 90 CONTAINERS ANG INABANDONA!

RAPIDO ni PATRICK TULFO

SUMASAKIT na ang ulo ng Bureau of Customs sa laki ng problemang hatid nitong Makati Express Cargo.

Sa panayam ng Rapido kamakailan lamang kay BOC Deputy Commissioner Atty. Vincent Maronilla, nasa 90 containers daw ang nakatengga ngayon sa Manila International Container Terminal (MICT) at hindi pa nailalabas.

Pero ayon sa ating source, may 20 pang container ng Makati Express Cargo sa Cebu port at 2 pa sa Davao Port, kung saan aabot sa mahigit 110 ang kabuuang bilang ng container na abandonado ng Makati Express Cargo na ito.

Mahabang proseso ang aabutin bago tuluyang mai-donate ang mga ito sa Department of Migrant Workers (DMW) dahil kakailanganin nito ang malaking halaga upang mailabas at mai-deliver ang mga container ng balikbayan box.

Dapat ay gumawa ng paraan ang gobyerno upang tuluyan nang ma-ban ang Makati Express Cargo sa pagpapadala ng mga kargamento sa bansa. Imbes na mapunta sa ibang proyekto ang pondo ay kinakailangan pang pondohan ang mga iniwan nilang mga container na ipinadala ng mga kababayan nating OFW.

Dapat ay turuan ng leksyon ng pamahalaan ang ganitong mga uri ng cargo forwarder upang maging aral din sa iba na magpapadala ng mga kahon sa bansa.

Ang problema ay kulang sa suporta ng Kongreso at Senado ang problemang ito ng mga OFW. Sila ang dapat na gumagawa at nagpu-push sa mga batas upang protektahan ang mga pinaghirapan ng ating mga kababayan

75

Related posts

Leave a Comment