MALA-‘ONDOY’ NA BAGYO ASAHAN NGAYONG TAON– PAGASA

ondoy12

(NI ABBY MENDOZA)

NGAYON pa lamang ay nagbabala na ang  Philippine, Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration(Pagasa) na makararanas ang bansa ng  kasing-lakas na bagyo na gaya ng bagyong ‘Ondoy’.

Matatandaan na ang bagyong ‘Ondoy’ ay tumama sa bansa noong 2009 at nasa 400 katao ang nasawi sa pananalasa nito.

Sinabi ni Pagasa Administrator Vicente Malano na malalakas na bagyo ang pinaghahandaan ngayon ng Pagasa dahil karaniwang malalakas na ulan ang hatid kapag mayroong El nino Phenomenon.

“We are not looking into the number of tropical cyclones that would enter the country when there is El Niño. But we are considering the intensity of the rains the cyclone would bring.You can expect an Ondoy-like cyclone,” paliwanag ni Malano.

Kahit pa man may El Nino ay normal pa rin ang bilang ng mga bagyong papasok sa bansa ngayong taon.

Kada taon ay 19 hanggang 20 bagyo ang pumapasok sa bansa.

Iiral naman ang El Nino hanggang buwan ng Nobyembre.

Sinabi ni Malano na ang sobrang init at malalakas na ulan ay resulta ng global warming.

 

420

Related posts

Leave a Comment