ISINIWALAT ng pamahalaang lungsod ng Malabon na batay sa isang report mula sa Department of Health, tatlo katao mula sa dalawang barangay ng siyudad ang nagpositibo sa UK variant ng virus.
Ayon sa pamahalaang lungsod, base sa pagsusuri ng U.S. Center for Disease Control and Prevention, mas madaling makahawa ang UK variant kaysa orihinal na virus, at ito ang dahilan sa mabilis na pagkalat ng virus nitong nakaraang mga linggo.
Doble ingat ang hiling ng pamahalaang lungsod sa mamamayan at binigyang-diin ang pagsunod sa health and safety protocols gaya ng palaging paghuhugas at pag-sanitize ng kamay, pagsusuot ng face mask at face shield, at physical distancing.
Bukod dito, pinaiiwasan ang non-essential activities at paglabas ng bahay kung hindi naman kailangan upang hindi mahawaan.
156 