MALABON, VALENZUELA MAY TIG-ISANG COVID DEATH

SA ikalawang sunod na araw hanggang Nobyembre 15 ay walang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa Malabon City, ayon sa City Health Department.

Bunsod nito nananatili sa 21,244 ang positive cases, 53 dito ang active cases. Habang limang pasyente ang gumaling. Ang mga ito mula sa Barangays Baritan (2), Catmon (1), Longos (1), at Niugan (1) at sa kabuuan ay 20,544 ang recovered patients ng lungsod.

Sa kasamaang palad, umakyat sa 647 ang COVID death toll matapos na isang pasyente sa Barangay Santulan ang binawian ng buhay.

Mula naman sa 821 noong Nobyembre 11 ay umakyat sa 822 noong Nobyembre 15 ang bilang ng mga namatay sa Valenzuela City dahil sa COVID-19, ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit, habang bumaba naman sa 101 ang active cases sa lungsod mula sa dating 120.

Pumalo na sa 35,700 ang confirmed cases sa lungsod at dito ay 34,777 na ang gumaling.

Nanatili naman sa 25 ang active COVID cases sa Navotas City makaraang tatlo ang naging bilang ng mga bagong gumaling at tatlo rin ang nahawaan sa nasabi ring araw.

Sumampa na sa 17,605 ang ang nasapul ng pandemya sa fishing capital, at sa nasabing bilang ay 17,037 na ang gumaling at mapalad na hindi nadagdagan ang 543 COVID death toll

Wala pang inilalabas na COVID-19 cases update ang Caloocan City habang isinusulat ito. (ALAIN AJERO)

140

Related posts

Leave a Comment