MALABON, VALENZUELA MAY TIG-ISANG PATAY SA COVID-19

ISA ang patay dahil sa COVID-19 sa Malabon City habang 14 ang nadagdag na confirmed cases noong Oktubre 27.

Sa kabuuan ay 21,128 ang positive cases sa siyudad, 103 dito ang active cases. Habang dalawang pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling.

Sa kabuuan ay 20,385 ang recovered patients ng siyudad habang pumanhik sa 640 death toll

Isang COVID patient din ang namatay sa Valenzuela City noong Oktubre 27 habang 334 ang active case matapos na 13 ang gumaling at 47 ang nagpositibo sa virus.

Pumalo na sa 35,352 ang confirmed cases sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 34,201 na ang gumaling at 817 ang namatay.

Walang iniulat na namatay sa COVID sa Navotas habang 64 ang active cases hanggang 11:59 pm noong Oktubre 26.

Sumampa na sa 17,561 ang nasapul ng pandemya sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 16,956 na ang gumaling at 541 ang namatay. (ALAIN AJERO)

136

Related posts

Leave a Comment