NAGPAABOT ng pakikiramay at pakikidalamhati ang Malakanyang sa pamilya, kasamahan at mahal sa buhay ni dating House Speaker Arnulfo “Noli” Fuentebella na namayapa kaninang umaga dahil sa heart failure.
Si dating Speaker Fuentebella, 74 ay nagsilbi ng halos mahigit sa tatlong magkakasunod na termino bilang mambabatas.
Siya rin ang nanguna sa pagbubuo sa bagong lalawigan na tatawaging Nueva Camarines, na bubuuin ng ikaapat at ikalimang distrito ng Camarines Sur.
Sa ika-14 na Kongreso ng Pilipinas, si Fuentebella ay nahalal bilang deputy speaker sa House of Representative.
“As we pay tribute to the life and legacy of the former Speaker, we pray that his family would find strength in this time of mourning,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. (CHRISTIAN DALE)
139
