MALUNGKOT, MASAYANG GOLD WIN NG GILAS WOMEN

KAMPEON pa rin ng Southeast Asian Games (SEAG) ang Gilas Pilipinas women team, sa kabila ng 96-93 pagkatalo sa kamay ng Malaysia, kahapon sa Thanh Tri District Sporting Hall sa Hanoi, Vietnam.

Pero, sa kabila ng kabiguan, sa Gilas women pa rin ang gintong medalya bunga nang panalo sa unang apat nitong laro sa biennial meet.

Target sana ng Pinay dribblers walisin ang kanilang limang laro, pero kinapos at napalaban nang husto sa Malaysian team.

Naging mahigpitan ang laro ng dalawang koponan, at halos nasa kamay na ng Pilipinas ang panalo nang umabante, 93-86, 2:33 ang nalalabi buhat sa basket ni Chack Cabinbin. Sinundan ng triples ni veteran guard Janine Pontejos para iangat ang Gilas.

Subalit, ang alanganing tirada ni Cabinbin sa buzzer, nagsilbing huling hirit ng koponan.

Pinag-init ni Yap Fook Yee ang Malaysia via layup, at itinabla ni Lee Phei Ling ang iskor sa 93-all sa huling 1:05 ng laro.

Buhat dito, hindi na nakapag-execute nang maayos ang mga Pinay, kung saan sablay ang ­bitaw ni Pontejos. Habang si Chong Yin Yin bumato ng three pointer, para sa ika-13 ng ­Malaysia, upang ­iangat ang kanyang team sa ­huling 17.2 seconds.

Sabado pa lang ng gabi, ­siniguro na ang ginto para sa ­Gilas team, matapos talunin ng host Vietnam ang Malaysia, 69-65.

Nagtala si Pontejos ng 18 points, habang si Afril Bernardino, 16 points, seven rebounds, seven steals at three blocks. Nagdagdag sina Gabby Bade (13), Ella Fajardo (12) at Angelica Surada (10).

Sa panig ng Malaysia, may 25 puntos sina Fook Yee at Yin Yin, habang si Pang Hui Pin, 21 points at 10 rebounds.

118

Related posts

Leave a Comment