Sa Caribbean Water Park SAKSINGAYON SUMMER SAYA, KASAMA ANG PAMILYA!

ISANG araw bago ang selebrasyon ng Araw ng Mga Tatay ay isinagawa ng pamunuan ng PeryodikoFilipino, Inc ang SAKSI NGAYON SUMMER SAYA, KASAMA ANG PAMILYA! ” A Family Day Activity” noong nakaraang Hunyo 14, 2025 sa CARIBBEAN WAVES WATER PARK RESORT sa Mahabang Parang, Sitio Abo, Pulong Sampaloc, Dona Remedios Trinidad, Bulacan.

Dakong alas-8 ng umaga pa lang nagsimula na ang aktibidad na kung saan ay nagkaroon ng mga palaro na pinangunahan ng SAKSI NGAYON TEAM na sinalihan ito ng mga kustomer ng CARIBBEAN WAVES WATER PARK RESORT.

Nagbigay naman ng kasiyahan sa mga kustomer ng nasabing resort ang aktibidad na sa na ito. Sa kauna-unahang pagkataon ay nagkasama ang nirerespetong pahayagan ng bansa na SAKSI NGAYON at ang tinatangkilik na CARIBBEAN WAVES WATER PARK RESORT. Masayang nagpalaro din ang Saksi ngayon Team sa pamumuno ni Tess Escuadro sa mga piling pamilya na nagsasaya sa Caribbean Waves Water Part Resort. Tuwang tuwa ang mga pamiya ni nakisali sa simpleng selebrasyon na rin ng Araw ng mga Tatay. Tumanggap sila ng simpleng regalo mula sa Saksi Ngayon galing sa mga sponsor ng event.

Kasama sa naging partner ng SAKSI NGAYON SUMMER SAYA, KASAMA ANG PAMILYA! ay ang HOTEL SOGO, MAYNILAD, GO HOTELS, MANGO LOCO, KAMAY NI NANAY, AQUA SWEET, EVER BILENA, BINGOPLUS at ang DURALITE na naglatag ng kani-kanilang tarpaulin at merchandise items kung saan ipinamigay sa mga guest ng nasabing resort.

Lubos na nagpapasalamat ang pamunuan ng SAKSI NGAYON sa management ng CARIBBEAN WAVES WATER PARK RESORT sa pakikiisa sa simple at masayang aktibidad na ito. Nagpasalamat din ang SAKSI NGAYON sa mga customer, guest at suki sa patuloy nilang pagtangkilik sa nasabing resort. Ang simpleng selebrasyon na ito ay nagpapakita na masaya ang bawat tao sa piling ng kanilang pamilya. (Joel O. Amongo)

11

Related posts

Leave a Comment