MANCAO ITINALAGA SA DICT

KINUMPIRMA ng Malakanyang ang pagkakatalaga kay Cezar O. Mancao II bilang  Executive Director V ng Cybercrime Investigation and Coordination Center (CICC) ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na kumpiyansa sila na ang professional credentials ni Mancao ay  makapag-aambag sa  cybercrime prevention sa bansa.

“We wish him good luck in his new assignment,” ayon kay Sec. Roque.

Ayon  naman sa  DICT, itinatag ang CICC sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act of 2012 kung saan pangangasiwaan nito ang pagbalangkas ng National Cyber Security Plan.

Gayundin ang pakikipag-ugnayan sa mga paghahanda ng mga kinakailangan at epektibong hakbang para mapigilan at masugpo ang mga aktibidad na may kinalaman sa cybercrime.

Magugunitang kabilang si Mancao sa mga kinasuhan sa kasong pagpatay sa PR man na si Salvador Buby Dacer at driver nito na si Emmanuel Corbito noong Nobyembre ng taong 2000. (CHRISTIAN DALE)

180

Related posts

Leave a Comment