MANGINGISDA NASAGIP SA KARAGATAN NG BATAAN

MARIVELES, Bataan — Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang 35-anyos na mangingisda na namataan sa karagatang sakop ng Hornos Point, Mariveles.

Nagpapatrulya umano patungong Bajo de Masinloc ang BRP Cape San Agustin nang makita ang mangingisda na humihingi ng saklolo sa pamamagitan ng pagkaway at pulang bandila.

Ayon sa PCG, nagkaroon ng problema ang bangka matapos makalas ang outrigger, dahilan upang hindi na ito umandar. Nagtamo rin ang biktima ng first-degree burn sa kanang hita matapos dumikit sa exhaust pipe ng makina.

Agad siyang nabigyan ng paunang lunas at psychosocial support at dinala sa Mariveles Harbor para sa karagdagang monitoring.

(JOCELYN DOMENDEN)

39

Related posts

Leave a Comment