HINDI nakasama ang Maynila sa 2019 good financial housekeeping ng Department of Interior and Local Government na ipinalabas noong ika-14 ng Pebrero.
Dahil dito, sinisi ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang nakaupong dating alkalde na si dating Pangulong Joseph Ejercito-Estrada.
Sinabi ni Moreno, inaasahan na niya ang pangyayari dahil nabigo ang nakalipas na administrasyon na matugunan ang full disclosure ng financial documents sa 2018 at first quarter ng 2019.
Ayon pa sa alkalde, isa itong oportunidad sa kanila na pagbutihin pa ang kanilang trabaho dahil hindi siya papayag na manatili ang nakakadismayang performance.
” It’s not happening under my watch,”ayon pa sa alkalde.
Nabatid na pinulong na niya ang local finance committee para magtrabaho at ayusin ang mga kalat na iniwan ng nakalipas na administrasyon.
Nangako si Moreno sa mga residente ng Maynila na pagbubutihin niya at ng kanyang mga kasama sa administrasyon ang trabaho upang mapabilang na ang Maynila sa DILG’s good financial housekeeping. Rene Crisostomo
279 