MANUAL AUDIT SA PARTY-LIST VOTES INIHIRIT

akbayan12

(NI BERNARD TAGUINOD/PHOTO BY KIER CRUZ)

NAGKAISA ang iba’t ibang party-list organization na hindi nakakuha ng sapat na boto noong nakaraang eleksyon na isama ang boto ng party-list sa random manual audit (RMA) ng Commission on Elections (Comelec).

Sa pangunguna ni Akbayan chairperson emeritus at dating Rep. Etta Rosales, nangalap ang mga ito ng petition signature  sa iba’t ibang grupo  sa Comelec para isama ang party-list votes sa RMA.

Kabilang sa mga grupong ito ang Pambansang Kilusan ng mga Samahang Magsasaka, Nuwhrain, Alyansa, Student Council Alliance of the  Philippines, Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa,   Sanggunian ng mga Mag-aaral ng Paaralang Loyola ng Ateneo de Manila, Center for Youth Advocacy and Networking,

Union of Students for the Advancement of Democracy at iba pa.

Kabilang ang Akbayan sa mga 84 party-list organizations na nabigong nakakuha ng sapat na boto mula sa 134 na sumali sa katatapos na halalan.

Maging ang Anakpawis party-list group na nawala sa winning circle matapos ang 14 na taon, ay hindi makapaniwala na nawalan ang mga ito ng boto sa mga lugar kung saan marami silang miyembro.

“There are already reports of discrepancy, such as in the case of Bayabas town in Surigao del Sur, where Anakpawis only got a single vote, when there are more than a hundred members and volunteers who worked hard during the campaign period,” ani Rep. Ariel Casilao.

Dahil dito dapat umanong isa-isahin ang boto ng taumbayan sa mga party-list organizations upang masiguro na nabilang ito at hindi nagkaroon ng “magic” sa nakaraang halalan.

184

Related posts

Leave a Comment