MARAMING LEGISLATIVE AGENDA ASAM NG PALASYO

martinandanar12

(NI BETH JULIAN)

TIYAK na mas maraming legislative agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte ang maipapasa sa  Kongreso.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar na ito ay dahil mas maraming kaalyado ang Pangulo na mga kongresista at senador na uupo  sa puwesto.

Ayon kay Andanar, kung marami nang accomplishment ang Pangulo sa nakalipas na tatlong taon ay asahan nang mas marami pang magagawa ang Pangulo dahil sa nabuong super majority sa Kongreso.

Dagdag pa ni Andanar, tututok din ang Pangulo sa huling tatlong taon nito sa isyu ng pagpapababa sa antas ng kahirapan, Build, Build, Build project at National Task Force na tatapos na lokal na komunista upang maibsan o hindi man ay tuluyang matuldukan ang komunismo sa bansa.

162

Related posts

Leave a Comment