MARAMING PINOY WALANG TIWALA SA CHINA—OCTA

NANAWAGAN ang isang opisyal ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa lahat ng lider ng bansa na igalang at makinig sa dumaraming bilang ng mga Pilipino na walang tiwala sa China at itinuturing nilang pinakamalaking banta sa bansa.

Ginawa ni Deputy Speaker Jay Khonghun ang panawagan matapos lumabas sa Tugon ng Masa (TNM) survey ng OCTA Research na 13 lamang sa Pilipino ang nagsabi na dapat magtiwala sa China na kinontra ng 60% habang ang natitirang 26% ay walang posisyon sa nasabing isyu.

“The numbers are very clear. This is no longer a fringe view or an elite position. When a strong majority of Filipinos express distrust and see China as the country’s biggest threat, leaders have a duty to listen and act responsibly,” ayon sa mambabatas.

Lumabas din sa survey na ang Class E respondents ang may pinakamataas na antas ng kawalan ng tiwala sa China sa 79 porsiyento, sinundan ng Class AB sa 61 porsiyento at Class D sa 59 porsiyento.

Sa parehong survey na isinagawa noong Disyembre 3–11, 2025 sa 1,200 respondent, 79 porsiyento ang tumuturing sa China bilang pinakamalaking banta sa Pilipinas—mas mataas kumpara sa 74 porsyento noong Hulyo 2025.

“For me, this is democracy speaking. Defending our sovereign rights is not warmongering. It is responding to what the Filipino people themselves are saying,” ayon sa Zambales solon na ang lalawigan ay nakasasakop sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal kung saan hindi pinapapasok ng CCG at Chinese militia ang mga Pilipinong mangingisda sa kanilang traditional na fishing ground.

Dahil dito, maraming mangingisda na aniya ang naghihirap dahil limitado na ang kanilang huli.

“These findings should inform our national conversation. They show that Filipinos across regions and income groups are united in their concern. Our policies must reflect that unity while remaining grounded in law, diplomacy, and the protection of livelihoods,” mensahe pa ni Khonghun sa mga nagtatanggol sa China.

(BERNARD TAGUINOD)

22

Related posts

Leave a Comment