NANANATILING frontrunner si presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. base sa ikaapat na pre-election survey ng Radio Mindanao Network at Asia Pacific Consortium of Researchers and Educators (RMN-APCORE).
Ipinakita sa resulta ng survey na ginawa noong Abril 1 hanggang 4, ang patuloy na pangunguna ni Marcos laban sa kanyang mga katunggali sa pagka presidente.
Nakakuha si Marcos ng 59% mula sa balance Luzon, National Capital Region (NCR), Visayas, at Mindanao.
Sinundan ito ni Vice President Leni Robredo na may 20.7%, Manila Mayor Isko Moreno na may 8.3%, Senator Manny Pacquiao na may 4.2% at Senator Ping Lacson na may 1.8%.
5.5% naman ng respondents ang nagsabing undecided pa rin sila kung sino ang pipiliing pangulo habang wala pang isang porsyento ang nakuha ng nalalabing mga kandidato.
Tumaas pa ng 4% ang puntos ni Marcos sa pinakahuling survey kumpara sa 55% noong Marso.
Mahigit 2% naman ang itinaas ni Robredo habang bumaba sina Pacquiao, Moreno at Lacson.
Isinagawa ang survey sa 2,400 respondents na may edad 18 pataas at may +/- na 2% margin of error at 95% confidence level.
