MARCOS BIYAHENG SINGAPORE PARA SA WORKING VISIT

LILIPAD si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. patungong Singapore para sa isang working visit mula Oktubre 7 hanggang 11, 2026, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa isang kalatas, sinabi ng DFA na inimbitahan ni Singapore Prime Minister Lawrence Wong si Marcos na bumisita sa bansa.

“Ang Working Visit na ito ay bahagi ng inisyatibo ng bansa upang mapalalim ang ating ugnayan sa Singapore, mapalawak ang ating economic engagement, at isulong ang ating kooperasyon sa mga sektor na makatutulong sa kaunlaran ng ating bansa,” ayon sa DFA.

Mahalaga rin umano ang pagbisita habang nalalapit ang pagtatapos ng chairship ng Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), na ililipat sa Singapore.

Nakatakda ring dumalo si Marcos sa 24th Forbes Global CEO Conference, kung saan makikipagpulong siya sa mga nangungunang business leaders mula Singapore at iba pang bahagi ng mundo.

“This would allow the President to present investment opportunities in the Philippines,” ayon sa DFA.

Bisitahin din ng Pangulo ang Singapore Nuclear Research and Safety Institute upang alamin ang karanasan at expertise ng Singapore sa nuclear technology at safety.

Ito na ang ikaanim na pagbisita ni Marcos sa Singapore bilang Pangulo, kasunod ng kanyang pagpunta roon noong Hulyo kung saan nakipagpulong siya kay Wong upang talakayin ang mga usapin kaugnay ng ASEAN chairship ng Pilipinas.

Sa naturang pagbisita, lumahok din si Marcos sa Milken Institute Private Roundtable Discussion.

(CHRISTIAN DALE)

119

Related posts

Leave a Comment