MARCOS JR. DADALO SA 48th PH BUSINESS EXPO

PANGUNGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 48th Philippine Business Conference and Exposition 2022, ngayong Huwebes, Oktubre 20 para kausapin ang mga negosyanteng Pinoy.

Ang nasabing event ay inorganisa ng Philippine Chamber of Commerce and Industry, na idaraos sa Fiesta Pavilion ng The Manila Hotel.

Sa nasabing okasyon, ipapasa ni Ferdinand Ferrer, Chairman at CEO ng EMS Group of Companies kay Pangulong Marcos ang conference resolutions.

Pangungunahan din ng Pangulo ang presentasyon ng awards para sa Most Business-Friendly LGU at Most Outstanding Chamber.

Ang 48th Philippine Business Conference and Exposition ay naglalayong simulan ang dayalogo hinggil sa mga pangunahing hakbang at programa na may kinalaman sa negosyo at ekonomiya na mahalaga sa pagpihit ng Pilipinas tungo sa full recovery ag pagyabong.

Samantala, inaasahan ding dadalo si Pangulong Marcos Jr. sa 78th Leyte Gulf Landings anniversary commemoration sa MacArthur Landing National Park sa Palo, Leyte, ngayong araw.

Matapos ito ay dadalo rin ang Pangulo sa 75th Charter Day celebration ng Ormoc City.

Inaasahan ding dadalo sa dalawang events si Vice President at Education Secretary Sara Duterte at ilang foreign dignitaries.

Ang pagbisita ni Pangulong Marcos sa Leyte, home province ng ina na si dating Unang Ginang Imelda, ay masasabing unang pagbisita nito simula nang siya ay mahalal bilang Pangulo noong May 9 elections.

Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon sa nasabing lalawigan na magdaraos ng face-to-face (F2F) Leyte Gulf Landings commemoration simula nang pumutok ang pandemya. (CHRISTIAN DALE)

510

Related posts

Leave a Comment