MARCOS JR. ‘DI ISUSUKO MAHARLIKA FUND

NILINAW ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na itutulak ng administrasyon ang implementasyon ng Maharlika Investment Fund (MIF) law, na magsisimula bago pa matapos ang taon.

Sa kanyang pre-departure statement, bago pa umalis patungong Saudi Arabia, binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang pangangailangan na linawin ang naunang report na nagsasabing suspendido ang MIF, sinabi ng Pangulo na ipagpapatuloy niya na ipakilala ang sovereign fund sa ibang bansa.

“I would just like to make a comment because one of the important aspects of this trip will be for us to introduce the Maharlika Investment Fund to the rest of the world and certainly, more specifically, to the Middle Eastern countries. I was a bit alarmed by the news reports early this morning that I read in the newspapers that we have put the Maharlika Fund on hold. Quite the contrary,” ani Pangulong Marcos.

Isiniwalat pa ni Pangulong Marcos na habang mabilis ang ginagawang paghahanda, mas maraming improvements ang isasagawa para sa organizational structure ng sovereign fund.

“The organization of the Maharlika Fund proceeds at pace. And what I have done though is that we have found more improvements that we can make specifically to the organizational structure of the Maharlika Fund,” ayon sa Chief Executive.

Committed aniya ang pamahalaan na isulong ang implementasyon ng MIF.

“We are still committed to having it operational before the end of the year,” ayon kay Pangulong Marcos sabay sabing “So we should not misinterpret what we have done as somehow a judgment on the rightness or wrongness of the Maharlika Fund.”

Samantala, tiniyak naman ng Punong Ehekutibo na nagsagawa ng konsultasyon sa iba’t ibang stakeholders upang masiguro na ang operasyon ay mas magiging mabuti at maayos.

(CHRISTIAN DALE)

187

Related posts

Leave a Comment