HINDI na umimik sa halip, ipinagkibit-balikat lang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbaba ng kanyang trust ratings.
Ang katuwiran ng Pangulo, hindi dapat gawing basehan ang isang survey lamang.
”Madaming ibang survey. Let’s not base it on one,” ang tugon ni Pangulong Marcos nang tanungin sa briefing kasama ang Philippine media delegation kung ano ang kanyang gagawin sa pagbaba ng kanyang ratings.
Tinanong ni Pangulong Marcos ang media kung sino ang nagsagawa ng survey at nang sumagot ang mga mamamahayag na Pulse Asia, isang matamis na ngiti ang tugon ng Pangulo.
Winika ni Pangulong Marcos na dapat din maging maingat ang source ng survey.
”Again, let’s look at other surveys before we — know your source. That’s a – that’s always an… Imperfect information makes you make imperfect decisions. The more perfect your information, the more perfect your decision will be. That is one source of information, and you have to understand where it’s actually coming from,” ang sinabi ng Pangulo.
Sa pinakahuling “Pulso ng Bayan” survey ng Pulse Asia, nakakuha si Pangulong Marcos ng 32% trust rating.
Tatlong porsyentong mas mataas ito kumpara sa 29% noong nakaraang buwan.
Samantala, bumaba naman ng 7% ang trust rating kay Vice President Sara Duterte. Kung dati ay nasa 57% ito noong Abril, 50% na lang ito ngayong buwan.
Isinagawa ang survey nitong May 6-9 sa 1,200 registered voters.
(CHRISTIAN DALE)
