MAS MARUNONG PA SA KORTE SUPREMA?

CLICKBAIT ni JO BARLIZO

MAY mga ayaw paawat. Kahit malinaw na ang sagot, sige pa rin sa sampa ng kaso kahit hindi rin malinaw kung saan talaga patutungo ang reklamo.

Heto isang example: ang isinampang kaso laban kay acting Executive Secretary Ralph Recto.

Isipin n’yo ito: ilang mahistrado na ng Korte Suprema ang nagsabing walang kriminal na pananagutan si Recto. May paliwanag. May legal na batayan. May malinaw na rason.

Pero may ilang grupo pa ring sumisigaw na, “Hindi, may kaso pa rin.”

So ano ‘yon—mas marunong pa kayo kaysa Korte Suprema?

Tapang ba talaga ang ipinakikita ng ganitong hakbang o mas angkop na termino ang kayabangan?

At huwag din tayong maglokohan. Hindi ito malasakit sa PhilHealth. Kung tunay ang malasakit, alam sana nila na walang nawala, walang ninakaw, at walang personal na nakinabang. Pero hindi ‘yon ang hinahabol.

Mukha kasing para lang ito sa ingay, drama, at kalaban.

Ganito ang galawan: Kapag hindi pasok sa script ang desisyon ay gagawan ng bagong eksena.

Kapag tapos na sa korte, ililipat sa Ombudsman.

Kapag kulang sa ebidensya, idadaan sa press release.

Plunder ang sigaw pero walang plunder.

Accountability ang linya pero walang ebidensya.

Rule of law ang bukambibig pero ayaw pakinggan ang Korte Suprema.

Sa huli, malinaw ang dapat tandaan ng publiko: Hindi lahat ng nagsasampa ng kaso ay naghahanap ng katotohanan.

Ang iba, naghahanap lang ng eksena.

At sa ganitong larong, hindi si Recto ang talo.

Ang talo rito ay ang kredibilidad ng mga nagkakaso.

77

Related posts

Leave a Comment