NILINAW ng DasmariΓ±as City Police na walang nangyaring shooting incident sa La Salle Dasma.
Nauna nang kumalat sa social media na may naganap na mass shooting sa lugar.
Nang beripikahin at imbestigahan ng investigation section ng pulisya ang nasabing impormasyon ay negatibo naman ito.
Subalit, hiwalay naman ito sa natuklasan na labi ng babae sa loob ng isang sasakyan sa De La Salle Medical and Health Sciences Institute sa Barangay Burol Main noong gabi ng Setyembre 30.
Ayon sa pulisya, misleading ang mga post na pinagsama ang dalawang insidente.
Wala umanong kinalaman ang natuklasang labi ng indibidwal sa sinasabing mass shooting.
(TOTO NABAJA)
78 