π—šπ—’π—©. π—Ÿπ—₯𝗔𝗬: π—”π—žπ—¦π—¬π—’π—‘, π—›π—œπ—‘π——π—œ π—™π—”π—–π—˜π—•π—’π—’π—ž 𝗣𝗒𝗦𝗧𝗦 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 π—‘π—”π—šπ—” π—”π—œπ—₯𝗣𝗒π—₯𝗧

TARGET ni KA REX CAYANONG

HINDI na bago ang pangarap para sa mas maayos at mas malaking Naga Airport.

Matagal nang nasa usapan ang proyekto, at malinaw na hindi ito simpleng pagpapagawa ng terminal o runway.

Malaking pondo, malawak na lupain at mahabang proseso ang kailangan.

Kaya may punto si Camarines Sur Gov. LRay Villafuerte nang sabihin niyang hindi sapat ang mga pahayag sa social media kung ang layunin ay talagang maisulong ang airport development.

Madaling magsulat ng post. Madaling maglabas ng pahayag.

Pero kapag bilyun-bilyong piso ang pinag-uusapan, hindi Facebook post ang kailangan ng proyekto kundi dokumento, koordinasyon, pondo at malinaw na trabaho.

Hindi rin maliit ang hamon sa pananalapi.

Ayon kay Villafuerte, tinatayang P7 bilyon ang kailangan para sa airport development, habang nasa P300 milyon hanggang P350 milyon pa lamang ang kasalukuyang available na pondo.

Kung ganoon kalaki ang agwat, malinaw kung saan dapat mapunta ang enerhiya ng mga lider: sa paghahanap ng karagdagang resources at paglapit sa mga ahensiyang may kakayahang maglaan ng pondo.

Dito pumapasok ang papel ng bawat halal na opisyal.

Kung may kinatawan sa Kongreso na seryosong nais tumulong, napakalaki ng maaaring maitulong nito sa paghanap ng national funding at paghimok ng suporta para sa proyekto.

Hindi naman isinara ni Gov. LRay ang pinto. Sa halip, malinaw ang kanyang mensahe: magtulungan para sa airport.

Mahalagang tandaan na ang usapin sa Naga Airport ay hindi nagsimula kahapon.

Noong mga nakaraang taon, kinailangan nang tugunan ang mga isyu sa right-of-way at land acquisition. Noong 2024, isinagawa pa ang project facilitation meeting kasama ang DOTr, CAAP at iba pang stakeholders para sa 134 ektaryang kailangan sa proyekto.

Ibig sabihin, may mga konkretong bottleneck na kailangang lampasan. Hindi ito maaayos ng palitan ng banat, press release o social media argument.

Maging ang Bicol Regional Development Council ay kamakailan lamang nagpahayag ng suporta sa pag-prioritize ng pondo para sa New Naga Airport at iba pang airport projects sa rehiyon.

Kaya kung ang layunin ay tunay na palakasin ang koneksyon ng Camarines Sur at buong Bicol, dapat mas mataas ang antas ng usapan.

Hindi kung sino ang mas magaling mag-post, kundi kung sino ang handang umupo, makipag-coordinate at tumulong maghanap ng solusyon.

May papel dito ang provincial government. May papel ang Kongreso. May papel ang DOTr at CAAP.

Higit sa lahat, may papel ang national government sa pagtiyak na may sapat na pondo para sa isang proyektong may malaking epekto sa rehiyon.

Hindi kailangan ng away para umusad ang airport. Kailangan ng pagtutulungan.

Kung ang hamon ni Gov. LRay ay para sa konkretong aksyon, dapat itong tingnan bilang hamon para sa lahat ng lider ng Camarines Sur: iwan muna ang pulitika sa social media at dalhin ang laban sa mga opisina kung saan maaaring makuha ang pondo, permits, lupa at approvals.

Aba’y hindi pangalan ng politiko ang sasakay sa eroplano. Ang mga Bicolano ang gagamit ng airport.

Kaya ang sukatan ng tunay na pagtulong ay hindi dami ng post o lakas ng paninira, kundi kung may nadagdag na pondo, nalutas na problema at isang proyektong tunay na umuusad.

81

Related posts

Leave a Comment