TANKER VESSEL NASUNOG, 2 CREW NASUGATAN

NASUNOG ang isang tanker vessel habang nasa Balayan Distillery Inc. Port sa Barangay Talisay, Calaca City, Batangas noong Miyerkoles ng gabi na ikinasugat ng dalawang crew members.

Batay sa ulat ng PCG Southern Tagalog District, agad nagresponde ang Coast Guard Sub-Station Lemery kasama ang BFP Calaca City, at isang lokal na tugboat matapos makatanggap ng impormasyon mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Office o CDRRMO.

Ang Motor Tanker na MTKR GINDARA, na may kargang molasses, ay mayroon umanong 22 crew members nang sumiklab ang apoy sa engine room.

Dalawampu sa mga crew ang ligtas na na-account, habang dalawang crew member ang nagkaroon ng mga pinsala sa katawan na agad isinugod sa magkahiwalay na ospital para malapatan ng lunas.

Patuloy naman ang pagtugon ng PCG at mga katuwang na ahensya sa insidente, habang inaalam ang sanhi ng sunog sa naturang tanker vessel.

(NILOU DEL CARMEN)

66

Related posts

Leave a Comment