BISTADOR ni RUDY SIM
MAINIT ngayon na usap-usapan sa Bureau of Immigration ang hindi mapigilang pag-iibigan ng isang mataas na opisyal at ng kanyang talamak na fixer na kanyang tauhan, na halos dito na yumaman sa pag-fixing ng mga sensitibo at malakihang transaksyon sa ahensiya.
Matapos na mabuking ng kanyang matapang na misis itong si Kume sa kanyang bagong jowa, ay tila mas pinili raw umano nito na hiwalayan ang kanyang misis at pinanindigan at ipinaglaban ang bebot nito, na ayon na rin sa post ng kanyang misis sa social media, ay mas hot pa ang orig kaysa ipinalit…hmm… kaya pala maganda ang awra nitong si Kume kapag humaharap sa media at sa Senate hearing, dahil mayroon na itong inspirasyon.
Dahil dito ay halos naging ‘in public’ na ang relasyon nitong mataas na opisyal sa Office of the Commissioner, na dating biik pero ngayon ay isa nang elepante, marahil, dahil sa masustansiya ang kinakain nito, hindi na darak… Tama ba, Pareng Gil? Ay, Don Gil na pala dahil yumaman na sa kanyang fixing sa tanggapan ni Kume…Kapansin-pansin din umano ang madalas na pagpapaganda ni Madam with matching fit pa na uniform na halos pumutok… ang alin? Ang kanyang butones! Kayo naman green minded masyado…
Ngayon lamang kaya nakaramdam ng init ng pagmamahal itong si Madam mula sa kanyang tauhan, na umabot pa ang kanilang lovelife sa Bora? Aba’y… mabuti na lamang at hindi namatay ang mga dikya sa dagat… Itong si Don Gil naman na kahit pamilyado nang tao ay kumapit marahil kay Madam na dalaga naman, upang magpatuloy ang kanyang fixing sa bureau kaya’t ganun na lamang ito kalakas kay Kume na ‘di kayang ligwakin dahil nagsisilbi itong bagman! Nakalulusot naman kaya kay Madam ang mga papeles ni Don Gil para papirmahan kay Kume?
Bilib naman ako rito kay Kume, nang dahil sa kanya ay may nabuong bangungot sa kanyang tanggapan… Posible kaya na sa darating na mga buwan ay mag-maternity leave itong si Madam kung sakaling makabuo ng tiyanak itong si Pareng Don Gil? How true na maging sa kainan ay madalas ang mga itong nakikitang nagsusubuan? Nagsusubuan ng saging na mula sa Davao… kayo naman dirty minded.
bCOS mainit pa sa panahon ngayon ang nakikitang closeness ng dalawa ay “DESS is it!!” Baka nga mas piliin nitong si Pareng Don Gil ang kanyang boss na nagpapakapal sa kanyang bulsa… Tama ba, Kume?
Gaano kaya katotoo na dahil sa mataas na posisyon na hinahawakan ngayon ni Madam ay mas lumakas di-umano ang loob ng kamag-anak nitong opisyal na nakatalaga sa Mactan Airport sa Cebu, na ayon sa ating napag-alaman ay talamak umano itong namamasahero at malayang nakapagpapasok ng mga Chinese at Vietnamese sa airport? Aba’y talaga naman.
Kamusta na kaya ang raket ng bata ni Kume na warden sa Bicutan detention center? Lalo kayang lumakas ang kita nila mula sa mga preso na nagbabayad ng VIP para sa Ice Room at pagpapapasok ng babae, alak at iba pang ilegal sa loob ng piitan? Kaya siguro hindi sinibak ng kamoteng Kume ang warden sa command responsibility noong pinatakas ang Korean fugitive, dahil nakikinabang kaya ito?
Para sa inyong sumbong at reaksyon, maaaring i-text ako sa 09158888410.
(Ang mga ipinapahayag sa kolum na ito ay sariling opinyon ng sumulat at hindi saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)
