May 147 COVID deaths na PAGDURA, PAGSINGA SA PUBLIC PLACES BAWAL NA SA CALOOCAN

SUMAMPA na sa 147 ang namatay sa COVID-19 sa Caloocan City, ayon sa social media post ni Mayor Oscar Malapitan.

Sinabi ng alkalde, iniulat ng Caloocan Health Department na hanggang alas-7:00 ng gabi noong Agosto 15 ay 3,672 na ang nagpositibo sa nasabing sakit habang 1,832 ang nakarekober.

Kaugnay nito, pagmumultahin ng hindi bababa sa P1,000 o makukulong ng hindi bababa sa 10 araw ang sinumang mahuhuling dumudura o sumisinga sa pampublikong mga lugar sa lungsod makaraang ipasa ng Sangguniang Panglungsod ang Ordinance No. 11-111 o Anti-spitting Ordinance na naglalayon ding bawasan ang pagkalat ng COVID-19 sa  Caloocan.

“No person shall carelessly, deliberately or indiscriminately spit saliva or expel phlegm, mucous, or other substances from the mouth or from the nose in public streets, alleys, sidewalks, parks, squares, malls, markets, halls, public motor vehicles, buildings, banks, terminals, shopping and business centers, schools, churches, hospitals, clinics, and other public places,” ayon sa nakasaad sa nasabing ordinansa.

Kahit ang pagdura sa mga pampublikong lugar ay ipinagbabawal na sa ilalim ng anti-littering ordinance noon pang 2018, paliwanag ni Konsehal Orvince Hernandez, may-akda ng ordinansa, ngunit kailangan ang mas mahigpit at komprehensibong ordinansa sa lungsod sa gitna ng pandemya.

Sa unang pagsuway, ang mahuhuli ay pagmumultahin ng P1,000 at oobligahing dumalo sa health seminar na isasagawa ng City Health Department, o ipakukulng ng 10 araw, o pareho depende sa korte; at sa ikalawang paglabag ay P5,000 ang multa o pagkakakulong ng isang buwan  o pareho depende sa desisyon ng korte. (ALAIN AJERO)

288

Related posts

Leave a Comment