MAY-ARI NG DIALYSIS CENTER SA GHOST TREATMENT IPINAAARESTO NI DU30

duterte philhealth21

SA isa na namang anomalyang naungkat sa ahensiya ng gobyerno, mahigpit na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-aresto sa may-ari ng WellMed Dialysis Center sa Quezon City kasabay ng pag-utos ng revamp sa Philhealth dahil sa mga ghost kidney treatment kung saan umaabot sa bilyong halaga ng claims.

Nais din umanong balasahin ng Pangulo ang Philhealth sa posibleng sabwatan ng mga matataas na opisyal at kawani at sa naturang dialysis center.

“Arestuhin sila at dalhin sa Malacanang,” matigas na utos ng Pangulo.

Lubos umanong ipinagtataka ng Pangulo kung bakit umabot sa ganoong kalaking halaga ang nakulimbat sa ahensiya nang hindi nalalaman ng ahensiya.

Inatasan din ng Pangulo ang National Bureau of Investigation (NBI) na arestuhin at imbestigahan ang kaso gayundin ang pagkakasangkot ng mga government employees sa anomalya.

Hinimok din ng Pangulo ang mga sangkot sa iregularidad na sumuko na lamang upang mapadali ang kaso.

Pumutok ang anomalya matapos lumutang ang sinasabing dating mga kawani ng WellMed Dialysis Center sa Quezon City at ibinunyag na naniningil ang naturang dialysis center para sa mga namatay na pasyente sa Philhealth.

Sinasabing pinepeke umano ang mga pirma ng mga pasyente kung saan tumakbo ng taon mula 2016 hanggang 2016 ang anomalya.

Sa kabila nito, mahigpit namang itinanggi ng WellMed at may-ari nito ang mga akusasyon laban sa kanila.

 

 

 

247

Related posts

Leave a Comment