MELINDO AT DAPUDONG MAGBABALIK

TULAD ni World Boxing Council (WBC) Bantamweight champion Nonito Donaire Jr., asam na matagumpay na maka­balik din nina dating world champion Milan Melindo at Edrin Dapudong.

Si dating IBF light flyweight titleholder Melindo ay inaasahang lalaban sa Zamboanga City sa Marso.

Mas mauuna namang su­ma­bak sa ring si IBO super flyweight champion Dapudong, na makakatapat si Mark Glen Ataran sa Pebrero 6 sa Digos, Davao del Sur.

Naging inspirasyon ng dalawa ang tinaguriang ‘Filipino Flash’ na si Donaire, na muling naging world champ noong Mayo 29, 2021 nang pabagsakin si Nordine Oubaali sa Dignity Health Sports Park sa Carson, California.

Dalawang beses pinabagsak ni Donaire si Oubaali sa third round, bago tuluyang itinigil ng referee ang laban sa fourth round at itaas ang kamay ng Pinoy bilang bagong WBC champ.

Sa nasabing laban ay gumawa rin ng kasaysayan si Donaire bilang pinakamatandang boxer na nagwagi sa world bantamweight division sa edad na 38. (ANN ENCARNACION)

340

Related posts

Leave a Comment