MAS MALAKING KAPASIDAD. Nakatuon ang Manila Electric Company (Meralco) sa pagpapabuti ng mga imprastraktura nito upang patuloy na makapaghatid ng matatag at maasahang serbisyo ng kuryente para sa mga customer nito. Makikita sa larawan ang Tayabas Power Transformer, na in-upgrade sa 300 megavolt-amperes (MVA) mula 100 megavolt-amperes (MVA) ang kapasidad upang matugununan ang lumalaking pangangailangan ng kuryente sa mga probinsya ng Quezon at Laguna.
Kasabay ng patuloy na pag-unlad ng bansa ang paglaki ng pangangailangan nito sa kuryente, kaya naman ang mga proyekto ng Manila Electric Company tulad ng mga bagong smart substation, pag-upgrade ng mga transmission line ay nagsisilbing mahahalagang imprastruktura na makakatulong para masiguro ang de-kalidad at tuluy-tuloy na serbisyo ng kuryente.
Bilang bahagi ng pagsisikap ng power distributor na makapaghatid ng maasahan at ligtas na serbisyo ng kuryente sa franchise area nito, namumuhunan ang kumapanya sa malalaking proyekto para matugunan ang pangangailangan ng mga customer at matugunan ang mga hamon na dulot ng climate change at urbanisasyon.
Ayon kay Meralco First Vice President at Head of Networks Froilan J. Savet, bahagi ito ng mas malawak na estratehiya ng Meralco na mas mapatatag pa ang distribution network at matiyak ang kahandaan ng mga pasilidad sa mga kalamidad at mas mapahusay pa ang operasyon nito.
Dagdag na kapasidad
Mula noong Abril hanggang Hunyo ng taong ito, umabot na sa 450 megavolt-amperes (MVA) ang nadagdag sa kapasidad dahil sa mga kinumisyong proyekto ng Meralco. Makatutulong ito upang masiguro ang maayos na serbisyo ng kuryente sa mga lungsod ng Pasig, Parañaque at Quezon sa Metro Manila gayon din ang mga munipasilidad ng Laguna at Quezon.
Natapos na rin ng kumpanya ang ASEANA 115 kilovolt (kV) – 34.5 kV Gas Insulated Switchgear (GIS) Substation sa lungsod ng Parañaque. Masusuportahan naman nito ang mga lugar sa katimugang bahagi ng Metro Manila.
Makatutulong din ito sa pagtugon sa lumalaking pangangailangan sa kuryente ng mga establisyimento tulad ng ASEANA 3, Ayala Mall Manila Bay, Bayprime Hotel, Seda Manila Bay, Bayprime Hotel at Uni-Asia International Prime Holdings Inc.
Pinalawig din ng kumpanya ang Bridgetowne 115 kV – 34.5 kV GIS at Makati 115 kV – 34.5 kV GIS Substation upang mas mapatatag ang suplay ng kuryente sa mga komersyal na distrito sa Metro Manila.
Masisiguro rin ng Bridgetown Substation ang tuluy-tuloy na daloy ng kuryente para sa mga customer sa lungsod ng Pasig at Quezon, kasama na rito ang Exxa and Zetta Towers, Giga Tower, Tera Tower, Opus Mall at GBF Center. Samantala, makatutulong naman ang Makati Substation sa mga establisyimento tulad ng Cash & Carry Mall, St. Clare’s Medical Center, St. Mary of the Woods School, SMDC Red Residences at ilang mga residente na nakapaligid dito.
Sa Timog Luzon, dinagdagan din ng Meralco ang kapasidad ng Tayabas Power Transformer. Mula sa 100 MVA ginawa itong 300 MVA upang masuporthan ang demand sa ilang bahagi ng probinsya ng Laguna at Quezon.
Pagpapabuti ng serbisyo
Natapos rin ng Meralco ang mga proyektong nagpapagtibay ng sub-transmission system ng kumpanya. Nadagdagan na ang kapasidad Dila-Real 115 kV line, para sa mga customer sa Laguna, kabilang dito ang Calamba, Los Baños, Bay, Pila at Calauan.
Sa hilagang bahagi naman ng franchise area, pinagana ng Meralco ang mahahalagang transmission lines sa Bulacan- ang Malolos-Tabang at Malolos-Calumpit 69kV lines upang masuportahan ang flagship program ng Department of Transportation na North-South Commuter Railway project.
Inilunsad din ng power distributor ang kauna unahang fully indoor GIS switching station sa Regalado sa lungsod ng Quezon. Layunin ng proyektong ito na pahusayin ang operational switching flexibility sa bahagi ng lungsod ng Quezon at Caloocan at masiguro ang ligtas na daloy ng kuryente sa mga kritikal na pasilidad gaya ng ST Telemedia Global Data Centers.
In-upgrade rin ng kumpanya ang Abubot Substation sa pamamagitan ng pag-install ng tatlong 115-kV circuit breakers at iba pang kaugnay na kagamitan upang masuportahan ang mga komersyal at healthcare customers sa Dasmariñas, General Trias, at Imus. Kasama rin sa makikinabang dito ang De La Salle University, Medical Center, Emilio Aguinaldo College, National College of Science and Technology, at San Miguel Yamamura.
Bahagi ang lahat ng ito ng pagsisikap ng Meralco na gawing moderno ang mga imprastraktura nito para masuportahan ang paglago ng ekonomiya ng bansa. Sa pamamagitan ng paghahatid ng sapat, maasahan at de-kalidad na suplay ng kuryente sa mga kabahayan, industriya at mahahalagang pampupblikong pasilidad.
“Sumasalim ang pamumuhunan ng Meralco sa mga impratraktura sa pangako ng kumpanya na masiguro na tuluy-tuloy, sapat at de-kalidad ang serbisyo ng kuryente ang nabibigay sa mga customer. Dahil sa patuloy na pagtaas ng demand sa kuryente, lalo rin naming pinaiigting at pinapalawig pa ang aming mga pasilida para mas mapalakas pa ang aming distribution network na nagsisilbing pundasyon sa aming layunin na masuportahan ang patuloy na pag-unlad ng bansa,” ani Savet.
MAS PINATATAG NA PASILIDAD SA LAGUNA. Pinahusay ang serbisyo ng kuryente sa Laguna sa pamamagitan ng pag-install ng high-capacity HTLS STACIR conductor sa bahagi ng the Dila-Real 115 kV line. Matutulungan din nitong mas mapatatag pa ang mga sub-transmission system ng Meralco sa ilang lugar sa Laguna tulas ng Calamba, Los Baños, Bay, Pila, at Calauan.
WORLD-CLASS NA IMPRASTRAKTURA . Pinasinayaan ng Meralco ang Regalado 115 kV GIS Switching Station- ang kauna unahang fully indoor GIS switching station layong mapahusay ang operational switching flexibility at mas mapatatag ang daloy ng kuryente sa mga lungsod ng Caloocan at Quezon.
PINAHUSAY NA SERBISYO NG KURYENTE SA PARANAQUE. Pinasinayaan ng Meralco ang ASEANA 115 kV-34.5 kV GIS Substation sa lungsod ng Paranaque na tutugon sa lumalaking demand ng ASEANA City at iba pang kalapit na establisyimento.
HANDANG TUMUGON SA LUMALAKING ENERGY DEMAND. Mas pinalawig ng Meralco ang Bridgetowne 115 kV – 34.5 kV GIS Substation sa pamamagitan ng pagpapabuti pasilidad nito at pag-install ng MVA power transformer at 34.5 kV indoor modular switchgear 83 MVA power transformer at 34.5 kV indoor modular switchgear na makatutulong upang makapagbugay ng dekalidad na serbisyo ng kuryente sa lungsod ng Pasig at Quezon.
