MESENCHYMAL STEM CELL THERAPY SUPORTADO NG MALAKANYANG

UPORTADO ng Malakanyang ang ginagawang mesenchymal stem cell therapy program ng The Medical City para sa mga pasyente nitong may COVID-19 pneumonia.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, buo ang suporta ng administrasyong Duterte sa  anomang pag-aaral o pamamaraan na makatutulong na maibsan ang pagdurusa ng isang COVID-19  patient.

Kaya, umaasa ang Malakanyang na ang mesenchymal stem cell therapy ay magkakaroon ng  magandang resulta.

Sa kabilang dako, muling iginiit ng Malakanyang na ang pokus ngayon ng gobyerno ay ang patuloy  na laban kontra COVID-19.

Kaya, ang apela ng Malakanyang sa publiko ay kooperasyon nang sa ganun ay sama -samang  mapagtagumpayan ang COVID-19. (CHRISTIAN DALE)

142

Related posts

Leave a Comment